Mayor ng Allacapan Cagayan, hinihintay hanggang ngayon ang tulong na pangako ni Robredo noong 2020: “Nasan na po?”

Hanggang ngayon ay naghihintay parin ang alkalde ng isang maliit na bayan sa Cagayan sa tulong na ipinangako sa kanya ni presidential candidate Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang Facebook post, humingi ng update si Allacapan, Cagayan mayor Henry Florida sa kampo ni Robredo kung kamusta na ang tulong na ipinangako ng bise sa kanya na tulong sana nang sila ay tinamaan ng Bagyong Ulysses dalawang taon na ang nakakaraan.

“Ma’am Leni, nasan na po?? Follow up please.” ani Florida.

Larawan mula sa Facebook ni Mayor Henry Florida
Larawan mula sa Facebook ni Mayor Henry Florida

Dahil dito ay ginawa ng mga tagasuporta ni Robredo ang kanilang hilig at humingi ng ‘resibo’ kay Florida upang patunayan na nangako nga talaga ang bise sa kanya.

Malugod namang ipinakita ng alkalde ang resibo na magpapatunay ng pangako ng kandidato sa kanya.

“Noong november 15, 2020 nagkaroon po tayo ng pagkakataon na makausap si VP Leni Robredo sa Tuguegarao airport, nagpakilala po tayo na Mayor ng Allacapan, Cagayan.” kwento ng alkalde.

“Sinabi ko po ang sitwasyon ng ating bayan na lubog din sa baha at marami ang apektado sa nasabing pagbaha, dahil dito sinabi niya na tutulong siya at nangako na magbibigay ng tulong. Sa oras din po na yun sinabihan niya ang isang staff niya na ibigay ang kanyang cellphone no. At kami na po ang mag-uusap sa ibibigay na tulong, agad po akong nagtext sa kanyang staff na makikita sa unang photo.

“Sa unang photo makikita po ang palitan namin ng mensahe at sinabi niya na may team sila na maiiwan sa Cagayan at si SR Cruz na ang makikipag ugnayan sa akin.

“Mga bandang hapon po nagtext po si SR (makikita sa pangalawang photo) at nag-usap po kami sa telepono at pinapaemail ang terminal report ng damages ng bagyong ulysses para dun nila ibabase ang ibibigay na tulong na nasabi ni VP Leni at yun naman po ay naemail namin kaagad kinagabihan. (Pangatlong photo)
“Diyan na po nagtatapos ang kwento ng pangako… sana nga po ay may makatulong na maiparating pa ang tulong sa mga kababayan ko, O baka imbes na Allacapan ang mabigyan eh alcala nadala ang tulong.

“Kung nagkamali man eh okey lang po sa akin kapwa naman Cagayano at kapwa Pilipino. Mabuhay po tayong lahat!”

Sa ngayon ay umabot na ng libo libong share sa social media ang nasabing post.

Pinuri naman ng mga netizens ang alkalde matapos ang kanyang rebelasyon.

Wala pang pahayag ang kampo ni Robredo sa sinabi ng alkalde.